Translate

Linggo, Setyembre 10, 2017

Pilipinas: Ang Kaakit-akit na Perlas na Nagniningning sa Silangan at sa Mundo

INTRODUKSIYON

          Pilipinas. Isang kaaya-ayang bansa sa Timog-Silangang Asya na binubuo ng mahigit-kumulang na 7,107 mga isla. Arkipelagong pinapalibutan ng mala-kristal na karagatan. Kalupaang siksik sa mga nakakahulog-pangang tanawin. Mga kultura at tradisyon na pinanday ng dantaon, na siyang nakakapabighani sa mga puso ng maraming dayuhan. Iyan ang bansang Pilipinas. Kaya naman walang duda na kahit papaano, ay maraming turista ang dumadagsa sa bansa upang makita ang kagandahan. Ayon sa pinakahuling tala ng Kagawaran ng Turismo noong buwan ng Mayo taong 2017, umaabot sa 532, 757 ang mga bisitang pumupunta sa ating bansa, mas marami ng 19.60% kung ikukumpara sa nakaraang Mayo 2016. (www.tourism.gov.ph/pages/indusryperformance.aspx ) Napakalaking bagay ito para sa ating bansa sapagkat isa ang turismo sa gumaganap ng mahalagang papel sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya naman ay iba’t –ibang programa ang nais na maipatupad hinggil sa pagpapalago ng turismo sa bansa – mga programang nakasentro sa pagpapahubog, pagpapanatili at pagpapayabong sa Turismo ng Pilipinas.


UNANG BAHAGI: ANG PAGPAPALAGO SA TURISMO NG PILIPINAS

Turismo – Kahulugan

            Bago ang lahat, nais naming ipaalam sa inyo na ang pangunahing layunin ng blog na ito ay manghikayat ng mga kapwa Pilipinong nawalay ang loob sa turismo ng bansa upang maipabalik sa kanila ang alab ng puso na tangkilikin ang sariling turismo, at ipagmalaki sa buong mundo ang ating natatanging bansa. Layunin din nitong makapanghikayat ng mga Pilipino sa kanilang sariling bayan. At upang maisakatuparan ito, tayo’y magsimula sa kaibuturan ng diskursong ito, kung ano nga ba ang turismo. Ayon sa Wikipedia.org, ang turismo ay “isang paglalakbay para sa kasiyahan o negosyo; isang teorya at pagsasanay ng paglilibot; isang negosyo ng pag-akit, pagtanggap at pag-aliw ng mga turista. Ito ay maaaring internasyonal o sa loob ng bansa ng manlalakbay.” Ayon pa sa World Tourism Organization, ang turismo ay “ang paglalakbay at paninirahan ng mga tao sa lugar na nasa labas ng kanilang karaniwang pnaninirahan na hindi hihigit sa isang magkakasunod na taon para sa paglilibang, negosyo at iba pang mga layunin.”

Kalagayan ng Turismo ng Pilipinas

            Sa Pilipinas, inatasan ang Kagawaran ng Turismo sa pangangalaga sa turismo ng bansa, sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalagayan nito, at pagpapalago nito. Ang kagawaran ang nagpapatupad ng mga programa, mga gawain at propaganda alang-alang sa pagpapaunlad ng turismo – upang mas maraming mga dayuhan ang mabighani sa kagandahan ng bansa. Ang lahat ng ito ay ginawa ng pamahalaan sapagkat napakalaki ang ambag ng turismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, kaya ang pagpapalago sa turismo ay isang paraan sa pagpapalago ng ekonomiya.

            Subalit, kahit na sinasabing umuunald ang turismo ng Pilipinas kung ikukumpara sa nakaraang taon, napakalayo pa rin ang "performance" sa turismo ng bansa sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nangangamote pagdating sa turismo. Kaya naman dapat lang na ang mga awtoridad ay may ilalatag na hakbang para sa pagpapalago hindi lang sa turismo, kundi pati na rin sa iba’t-ibang mga mahahalagang salik na nakakaapekto sa kalidad ng turismo sa bansa.

Mga Hakbang sa Pagpapalago sa Turismo ng Pilipinas

            Sa ipinahayag na sa itaas, ang pagpapalago ng turismo ay hindi nangangahulugang pagpapalago sa mismong kalidad ng turismo lamang, kundi pati na rin sa mga mahahalagang salik at aspeto na kakabit sa turismo. Kaya narito ang aming inilatag na mga hakbang para sa mga awtoridad upang mapalawig at mapalago ang turismo ng bansa:

   1.  Pagpapaunlad sa mga pangunahing pangangailangan ng tao at sa kanyang kapaligiran

          Bagamat masasabing “napakalayo” na ng hakbang na ito sa usaping pangturismo, ito’y nakakaapekto sa mga bagay pangturismo sa bansa. Siyempre, upang maengganyo ang mga turista na bumisita sa ating bansa, dapat na maayos ang mga pangunahing pangangailangan na mayroon ang mga mamamayang nakatira sa ating bansa: ang pagkain, inumin at suplay na tubig, maayos na mga tahanan at mga pasilidad sa paninirahan, malinis na hangin, pati na rin sa pagpapahubog ng likas na kagandahan ng kapaligirang kanyang ginagalawan. Dahil kung kulang nga naman at hindi buo ang ating maibibigay sa ating mga kapwa Pilipino, ano pa kaya ang kaya nating maibigay sa mga bisita natin, di ba?

2.   Patatagin ang sistema ng siguridad sa bansa

     Isa rin sa mga tinitingnan ng mga turista sa pagdadayo nila ay ang kanilang seguridad sa lugar. Dito sa atin, dapat lang na patatagin ang seguridad para sa mga dayuhang nais dumayo sa ating bansa; solusyunan ang mga karahasan at krimen sa pamamagitan ng pagsugpo nito, pati na rin ang mga banta ng terorismo na nagmimistulang halimaw na nananakot sa mga turista na siyang dahilan upang bababa ang bilang ng tourist visit ng bansa.

3. Pagpapaganda sa serbisyong pangturismo.

      Aba naman, sino namang turista ang mabibighani sa ating bansa kung wala sa kalidad ang ating mga serbisyong inihahandog sa kanila? Dapat nating ipakita ang ating pagkamainit sa pagtanggap ng mga bisita sa pamamagitan ng paghahandog ng mga di-kalidad na mga serbisyo, at ayusin ang mga kapalpakan at kakulangan sa serbisyo lalo na sa sa mga pampublikong gusali gaya ng airport, terminal, at sa mga tanggapan. Susi diyan upang mapadali ang pagsunod ng mga paraang inilahad: Wakasan ang kurapsyon, dahil isa ito sa nakakapagpapalpak sa mga serbisyo ng gobyerno.

4.  Pag-aayos ng mga airport

       Ang airport ay nagsisilbing eksternal na anyo ng bahay para sa mga bisita. Kung maganda at nakakapang-akit ang anyo at labasan ng inyong bahay, aba sigurado, maraming tao ang magpapabalik-balik sa inyo. Pero kung wala naman sa ayos, ni isa walang maaakit sa tahanan mo. Dapat din nating ayusin at pagandahin ang ating mga airport. Sige nga: kung ang ating mga airport ay wala sa tamang ayos, mabaho at walang magandang serbisyo, sino pa kayang turista ang magnanais sa bumisita sa ating bansa kung mismo sa airport pa lang ay bagsak na tayo? Tandaan: "first impression lasts."

5. Pagpapalago sa ekonomiya ng bansa

     Ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa ay hindi isang malayong hakbang sa pagpapalago sa turismo ng bansa. Kung ang isang bansa ay matatag sa ekonomiya, maraming dayuhan ang magkakainteres na pasyalan ang naturang bansa. Isa ito sa mga makakapangpahikayat sa kanila na ang bansang ito ay maganda at nararapat bisitahin, lalo na sa mga dayuhang negosyante.

6. Palawigin pa ang mga kampanya at propaganda ng Kagawaran ng Turismo hinggil sa turismo ng bansa.

    At, nararapat lang na ang Kagawaran ng Turismo ay magsasagawa pa ng mga kampanya at propaganda na siyang magpapabida sa turismo ng bansa sa buong daigdig: maaaring magtuklas pa ng mga kakaiba at nakakamanghang mga atraksiyon sa ating bansa; ibibida ang ating mga natatanging kultura at kasaysayan na tumatatak sa buong mundo; o di kaya’y ipamalas ang angking talento at galling ng mga Pilipino pagdating sa iba’t-ibang mga larangan, napakaraming paraan upang mas mapalawig pa ang pagpapahatid ng mensahe sa mga dayuhan na ang Pilipinas ay isang napakagandang bansa at nararapat na bisitahin at pasyalan.

Para naman nating mga tipikal na mga mamamayan ng bansang Pilipinas, hindi natin magagawa ang mga hakbang na nasa itaas. Ang tanging magagawa natin ay makiisa sa mga hakbang ng pamahalaan hinggil sa ikakaunlad ng turismo sa ating bansa. Ating ipakita ang kaisahan nating mga mamamayan at sa pamahalaan para sa ikakaganda ng bansang Pilipinas, at ipakita sa ating mga sarili ang pagiging tunay na Filipino at isabuhay sa lahat ng pagkakataon ang mga katangian na siyang makakapang-akit ng mga dayuhan saan mang sulok ng mundo. VIVA, FILIPINAS!



IKALAWANG BAHAGI: ANG TURISMO NG PILIPINAS

Bilang isang anyo ng pagpapalago sa turismo ng bansa, inihahandog namin sa inyo ang mga magagandang tanawin na sa ating bansa lamang matatagpuan! Nawa’y kayo’y malibang, mabighani at maramdaman ang tunay na ganda ng Pilipinas!

Mga Magagandang Tanawin sa Pilipnas

1. El Nido | Palawan

Resulta ng larawan para sa El Nido Palawan
Photo Source

            Pinangalanan bilang isa sa mga pinakamagagandang isla ng mundo ng Condé Nast Traveller magazine ng taong 2015, ang El Nido ay isa sa mga dapat bisitahin at binabalik-balikan ng mga turista sa Pilipinas. Kapag nasa El Nido, maranasan ang iba't ibang "island hopping tours" sa mga mapuputing buhangin ng dalamapasigan, mga kaakit-akit na lawa, at mala-kristal na tubig, kung saan maaari kang lumangoy, mag-snorkel, mag-kayak, o kaya'y mamahinga at tingnan ang nakatagong kagandahan ng Inang Kalikasan.



2. Isla ng Boracay | Aklan


Resulta ng larawan para sa Boracay Island

Photo Source

          Ang Boracay ay marahil ang pinaka-popular na isla sa Pilipinas.Ang mabisita ang islang ito na matatagpuan sa lalawigan ng Aklan ang pangarap ng bawat Pilipino. Sa malambot na puting buhangin, matingkad na asul na tubig, magandang paglubog ng araw, at hindi malilimutang mga karanasan sa gabi, ang Boracay ay kasama sa nangungunang 20 pinakamagandang isla sa mundo ng Condé Nast Traveler magazine.



3. Isla ng Batanes | Batanes




Kaugnay na larawan Photo Source

           Ang Batanes ay isa sa mga pinaka-ninanais na destinasyon ng mga turista sa Pilipinas. Ang biyahe sa lalawigan ay magbibigay sa iyo ng mga pinaka-natatanging mga tanawin ng bansa na kinabibilangan ng mga isla na makakapagbigay ng kasiyahan sa mga mahilig sa "nature", mga hayop na malayang naglalayaw sa itaas ng walang katapusang mga berdeng burol, napakalaking talampas na nakikita ang mga karagatan sa ilalim ng asul na kalangitan, mabatong mga baybayin at mga puting buhangin, at ang mayamang pamana ng kultura ng mga Ivatan.


4. Isla ng Camiguin | Camiguin


Kaugnay na larawan

Photo Source

     Ang lalawigan ng Camiguin ay nagtataglay ng rekord ng pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng mga bulkan sa bawat kilometro kwadrado kaysa sa anumang ibang isla sa planeta. Ngunit sa kabila ng mga bulkan, ang lalawigan ay may mga likas na atraksyon, kabilang ang hindi pinaninirahang puting "sandbar", mainit at malamig na bukal, at mga "waterfalls." Dagdag pa, maaari mo ring masaksihan ang pagdiriwang ng Lanzones Festival sa Oktubre, bisitahin ang mga matatandang simbahan, lumang mga tahanan ng mga ninuno at ang Sunken Cemetery.



5. Isla ng Malapascua | Cebu


Kaugnay na larawan

Photo Source

            Kasama ng Palawan at Boracay, itinuturing din ang isla ng Cebu na isa sa mga 20 nangungunang pinakamagandang  isla sa mundo ng Condé Nast Traveler magazine. Ang isang buwan ay hindi sapat upang tuklasin ang buong Cebu, na kilala sa mga puting tabing-dagat, mga "luxury resorts",  at mayamang kasaysayan. Ang isla ng  Malapascua  ay isa sa pinakasikat na destinasyon sa Cebu. Ang maliit na isla na maaaring lumakad palibot sa loob ng dalawang oras ay tahanan ng mga magagandang dalampasigan at nakakarelaks na hangin ng hangin. Ang mga turista ay bumibisita sa isla para "once-in-a-life time"  na karanasan sa diving kasama ang mga thresher sharks.



6. Isla ng Kalanggaman | Leyte


Resulta ng larawan para sa isla ng kalanggaman

Photo Source

              Ang isla ng Kalanggaman sa Palompon ay isa sa pinakamagagandang "sandbars" sa Pilipinas, at marahil sa mundo. Hindi nakakagulat kung bakit ang mga internasyonal na barkong pang-cruise ay huminto sa pinapangarap na islang ito upang magdala ng daan-daang mga turista mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang paglangoy sa malinaw na tubig-dagat na kumikislap sa gabi, paglalakad sa puting mahabang "sandbar", at "stargazing" sa malinaw na kalangitan sa gabi ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit dapat mong bisitahin at balik-balikan ang maliit na islang ito.



7. Isla ng Siargao | Surigao del Norte


Resulta ng larawan para sa isla ng siargao

Photo Source

          Ang Siargao ay kilala bilang "surfing capital" ng Pilipinas at tahanan sa sikat na "surfing wave" ng mundo na tinatawag na "Cloud 9". Kaya kung gusto mo ng "surfing", ang isla na ito ay dapat na nasa iyong listahan. Gayunpaman, ang Siargao ay hindi lamang isang perpektong lugar para sa mga "surfer" kundi para sa anumang uri ng mga turista. Hindi alam sa marami, ang isla ay nagtatago din ng mga malinis na puting buhangin sa buhangin, kaakit-akit na mga lawa, natural na pool, mga talon, kamangha-manghang mga kuweba, mga pambihirang pormasyon ng bato, at higit pa.



8. Coron | Palawan


Kaugnay na larawan

Photo Source

          Ang Coron ay isang tropikal na paraiso sa lalawigan ng Palawan. Ang "postcard-perfect scenery" ng Kayangan Lake na may matarik na "limestone cliffs" at mala-kristal na tubig ay isa sa dapat na bisitahin na mga lugar sa Pilipinas. Ang pagbisita sa Coron ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong makalangoy sa Kayangan Lake, na tinatawag na pinakalinis na lawa sa Asya. Ang Coron ay isa rin sa pinakamaraming destinasyon para sa "wreck diving" sa bansa.



9. Hinatuan Enchanted River | Surigao del Sur



Resulta ng larawan para sa hinatuan enchanted river
Photo Source

               Kung ang Surigao Del Norte ay bantog dahil sa mga maalamat na alon sa Pasipiko sa Siargao, Ang Surigao Del Sur naman ay kilala sa "Enchanted River" sa Hinatuan. Ang malinaw na asul na tubig ng Enchanted River ng Hinatuan ay maaaring umabot ng malalim na 80 piye. Ang isang tanyag na kuwento sa mga naninirahan ay nagsasabi na ang mga engkanto at serena ay lumalangoy at naglalaro sa tubig, pinangangalagaan ang ilog, at pinapanatili ang kalinisan nito.


10. Bulkang Mayon | Albay


Resulta ng larawan para sa bulkang mayon

Photo Source

          Ang Bulkang Mayon ang pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng pagbabanta nito ay namamalagi ang isang ganap na hugis apang bulkan na maaaring makalampas sa kagandahan ng anumang bulkan sa mundo. Ang nakamamanghang tanawin ng Mayon ay isang napaka-tanyag na tanawin ng Pilipinas, na makikita sa perang papel ng Pilipinas, at sa karaniwang mga postkard sa bansa. Ang Mayon ay pinangalanan rin bilang isa sa mga "most photogenic volcanoes" sa mundo ng CNN Travel.



11. Bulkang Taal | Tagaytay, Batangas at Cavite


Resulta ng larawan para sa bulkang taal

Photo Source

             Ang Tagaytay City sa Cavite ay isang sikat na destinasyon na matatagpuan sa timog ng Manila. Ito ay isang perpektong lugar para sa mga gawain sa paglilibang, tulad ng piknik, pagsakay sa kabayo, pagsakay sa "zipline", at pagtanaw ng nakamamanghang tanawin ng Bulkang Taal  na napalilibutan ng lawa. Para sa higit pang pakikipagsapalaran, ang mga turista ay maaaring magtungo sa Talisay, Batangas upang tumawid sa lawa ng Taal sa isang bangka, at maabot ang isla ng Bulkang Taal upang maglakbay patungo sa bunganga ng pinakamaliit na aktibong bulkan sa mundo.



12. Puerto Princessa Subterranean River National Park | Palawan


Resulta ng larawan para sa puerto princesa subterranean river national park

Photo Source

             Ang Palawan ay tila hindi nagpapahuli sa mga kamangha-manghang destinasyon para sa mga turista. Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park na tinatawag ding Puerto Princesa "Underground River" ay isang "UNESCO World Heritage Site" at isa sa "New 7 Wonders of Nature." Ang 8.2 km na haba ng Underground River ay sinasabing ang pinakamahabang ilog na nasa ilalim ng ilog sa mundo. Ang sistema ng kuweba ay naglalaman ng mga "stalactite", "stalagmite", maliit na "underground waterfalls", at higit pang mga tsanel ng ilog.



13. Mga Kweba ng Langun Gobingub | Samar


Resulta ng larawan para sa langun gobingob cave

Photo Source

              Sa daan-daang mga kuweba na ginalugad, ang isla ng Samar ay sinimulang makilala bilang "caving capital" ng Pilipinas. Ang mga kweba Langun-Gobingob, ang pinakamalaking "caving system" sa bansa ay matatagpuan din sa Samar, lalo na sa bayan ng Calbiga. Ang sistema ng kuweba ay may malaking silid na maaaring makapagkasya ng tatlong "football fields". Kaya kung gusto mo ng isang bagong pampalasa ng pakikipagsapalaran, ang pagkukweba sa Samar ay dapat isama sa iyong balangkas na listahan ng mga nangungunang pinapangarap na gawain at pasyalan mo.



14. Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue | Ifugao

Resulta ng larawan para sa banaue rice terraces
         Isang pambansang kultural na kayamanan at itinuturing ng mga Pilipino bilang "Eighth Wonder of the World", ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue ay isang perpektong lugar para sa pagliliwaliw, pagpapalapit sa kalikasan, pag-alam sa mga tribu ng mga Ifugao, at maging ang pagkonsulta sa Mumbaki (isang tradisyonal na Ifugao "witch doctor") upang magsagawa ng espirituwal na ritual na nakakagamot. Ang hagdan-hagdang palayan ay itinayo 2,000 taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng mga ninunong gumagamit ng mga bato at putik na pader upang makapagtayo ng mga lawa para sa paglilinang ng bigas sa mga bundok ng Ifugao.


15. Chocolate Hills | Bohol

Resulta ng larawan para sa chocolate hills
             Isa sa mga pinakasikat na tanawin ng Pilipinas, ang Chocolate Hills ay binubuo ng higit sa isang libong burol na kumakalat sa mga munisipyo ng Carmen, Sagbayan at Batuan sa Bohol. Ang mga ito ay tinatawag na "chocolate hills" dahil ang kanilang berdeng mga damo ay nagiging kulay kayumanggi sa panahon ng tag-init, tulad ng mga tsokolate. Ang lalawigan ng Bohol ay kilala rin sa mga puting buhangin, mga ilog, mga siglo at lumang mga simbahan, at ang "Philippine tarsier."


16. Bundok Apo | Mindanao


Resulta ng larawan para sa bundok apo

Photo Source

         Kung nais mo ang pinakamaganda sa Pilipinas, bakit hindi maghangad sa pinakamataas na bundok sa bansa? Ang Bundok Apo ay ang pinakamataas na rurok ng Pilipinas  na nasa 10,311 talampakan sa ibabaw ng dagat. Ang mga "mountaineers" at mga "adventurers" ay haharap sa mapanghamong paglalakbay patungo sa taluktok ng bundok; tatawirin ang mga lawa, ilog, damuhan, at kagubatan. Ang bundok ay tahanan din ng mga bulaklak at palahayupan na likas sa lugar. Ang "trekking" sa tuktok ay hindi madaling gawain, ngunit ito ay itinuturing na gantimpala sa sinuman dahil ito ay pambihira lamang na maranasan sa buhay ng tao.



17. Tubbataha Reefs Natural Park | Palawan


Resulta ng larawan para sa tubbataha  reef natural park

Photo Source

               Kung ang Bundok Apo ay para sa mga "hikers", ang Tubbataha Reef Natural Park ay isang langit para sa mga "scuba divers." Ang kahanga-hangang mundo sa ilalim ng dagat na malapit sa gitna ng Karagatan ng Sulu ay isa sa mga pinakamagandang "dive sites" sa mundo. Ang pinoprotektahan na santuwaryo ay tahanan ng malinis na korales, "manta rays", "sea turtles", "clownfish", "lionfish", pating, at mga "endangered hawksbill sea turtle". Ang parke na ipinahayag din bilang "World Heritage Site" ng UNESCO ay isang santuwaryo din para sa isang daang "species" ng ibon.



18. Lungsod ng Vigan | Ilocos Sur


Resulta ng larawan para sa vigan city

Photo Source

               Maraming mga bahay at mansiyon sa kapanahunan ng mga Kastila ang nakakalat sa Pilipinas. Ngunit kung nais mong makita ang isang buong distritong nasa arkitektura at tanawin  mula pa sa panahon ng Espanyol, ang Vigan ay ang lugar na iyon. Ang makasaysayang bayan ng Vigan ay isang "UNESCO World Heritage Site". Maglakad sa kahabaan ng kalye ng Crisologo upang makaranas ng isang "ambience" mula sa ika-16 na siglo.


19. Intramuros at Rizal Park | Maynila




Resulta ng larawan para sa intramurosResulta ng larawan para sa rizal park
Intramuros - Photo Source      Rizal Park - Photo source

                Ang Manila, ang kabisera ng Pilipinas, ay sagana sa mga atraksiyon sa kasaysayan at pang-edukasyon. Ang 400-taong gulang na makasaysayang nakapader na lungsod ng Intramuros ay tahanan ng Fort Santiago, Iglesia ng San Agustin (UNESCO World Heritage Site), Katedral ng Manila, Palacio del Gobernador, Plaza de Roma, mga siglo-lumang mga canyon, kobblestones, at iba pang mga gusali at mga lugar na mula pa sa panahon ng mga Espanyol. Ang malapit sa Intramuros ay ang Rizal Park, ang pinakasikat na parke sa bansa at tahanan sa natatanging monumento ni Rizal, ang pinakamataas na bandila ng bansa, "KM Zero", at marami pang iba.



20. Pambansang Museo ng Pilipinas | Maynila


Kaugnay na larawan
Photo Source

             Ang isa pang  patutunguhan sa Manila ay ang Pambansang Museo ng Pilipinas. Kung nais mong matuto nang higit pa at pahalagahan ang pambansang kultura at makasaysayang kayamanan ng mga Pilipino, ang museo ay isang lugar na hindi mo dapat papalampasin. Tingnan ang iyong sarili  sa higanteng ipinintang Spoliarium ni Juan Luna, ang "Manunggul Jar" at iba pang sinaunang "artifact" na may petsang mula 890 hanggang 710 BC, ang mga kayamanan ng Espanyol Galleon San Diego, ang Balangay o Butuan na bamgka, ang iba't ibang mga pinta na gawa at eskultura ng iba't ibang mga pambansang artistang Pilipino, at iba pang mga bagay na marahil ay nakikita mo lang sa mga aklat-aralin.


Iba’t – Ibang Mga Pagdiriwang (Festivals) sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay hindi lang hitik sa mga magagandang tanawin, kundi siksik rin sa mga kultura at tradisyon na humantong sa mga makukulay na pagdiriwang! Narito ang aming listahan sa iilan sa mga makukulay na pagdiriwang sa bansa na dinadagsa ng mga turista taon-taon:

1. Ati-Atihan Festival - Kalibo, Aklan

Resulta ng larawan para sa ati-atihan festival
Photo Source

            Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihansa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Sinulog Festival Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.


2. Pahiyas Festival - Lucban, Quezon

Resulta ng larawan para sa pahiyas festival
Photo Source

              Ang Pahiyas Festival ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “"kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang mga bahay. 


3. Panagbenga Festival - Lungsod ng Baguio 

Resulta ng larawan para sa panagbenga festival
Photo Source

             Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.


4. Sinulog Festival - Cebu

Kaugnay na larawan
Photo Source


           Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.


5. Kadayawan Festival - Lungsod ng Davao

Resulta ng larawan para sa kadayawan festival
Photo Source

            Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte. 


6. Peñafrancia Festival - Lungsod ng Naga, Camarines Sur

Resulta ng larawan para sa penafrancia festival
Photo Source

          Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon. 


6. Masskara Festival - Lungsod ng Bacolod

Resulta ng larawan para sa masskara festival
Photo Source

            Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” 


7. Lechon Festival - Balayan, Batangas

Resulta ng larawan para sa lechon festival
Photo Source

             Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.


 8. Kaamulan Festival

Resulta ng larawan para sa kaamulan festival
Photo Source

             Ang Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso. Ang salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng tribo sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng mga ito. 


10. Pista ng Itim na Nazareno

Resulta ng larawan para sa pista ng itim na nazareno
Photo Source

             Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.


11. Pista ng Paraw Regatta

Resulta ng larawan para sa pista ng paraw regatta
Photo Source

           Ito ay kilalang pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod Iloilo at Guimaras tuwing unang lingoo ng Marso at tampok dito ang karera ng daan-daang paraw (bangkang mag layag) sa kahabaan ng water strait sa pagitan ng Iloilo at Guimaras. Ito ay may layuning iangat ang turismo ng nasabing bayan gayun din ang pangangalaga at pagpreserba sa mga paraw bilang bahagi ng kanilang kultura at kasaysayan. Kasama sa kasiyahang ito ay ang Pinta Paraw (pagpinta ng mga paraw), Pintawo (pagpinta sa katawan), torneo ng pangingisda, at Regatta Model Search.


12. Pista ng Saging

Resulta ng larawan para sa pista ng saging
Photo Source

            Ginugunita ang Pista ng Saging tuwing 18-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoro upang ipagdiwang and kasaganahan ng saging. Ipinagmamalaki dito ang iba't-ibang uri ng saging tulad ng Senorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din nang selebrasyon na ito ay ang kapistahan ng patron na si San Jose.
Ipinagdiriwang naman ang Pista ng Saging sa Davao del Norte tuwing unang linggo ng Hulyo kasabay ng anibersaryo nang lalawigan. Ang selebrasyong ito ay nagbibigay halaga sa pangunahing produkto na nag-aambag ng pangkabuhayan sa probinsya - ang saging.


13. Pista ng Kalabaw

Resulta ng larawan para sa pista ng kalabaw
Photo Source

            Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 hanggang 16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulakan.
Tampok sa kapistahang ito ay ang pagluhod ng mga malilinis at pinturadong kalabaw sa harap ng simbahan upang tumanggap ng bendisyon ng pari gayun din ang karera ng mga kalabaw.


14. Rituwal sa Obando

Resulta ng larawan para sa obando fertility dance

          Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay paranagal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan.

Ang mga mag-asawang hindi magka-anak ay kadalasang nagdarasal sa pamamagitan ng pagsayaw sa Birhen ng Salambao (santo ng mga mangingisda para sa masaganang pangingisda), kay San Pascual de Baylon (modelo ng kabutihan) at kay Santa Clara (patron ng mga hindi magkaanak).


15. Pista ng mga Higante

Resulta ng larawan para sa higantes festival

               Ipinagdiriwang ang Pista ng mga Higante tuwing ika-23 ng Nobyembre kada taon sa bayan ng Angono, Rizal, bilang paggunita kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda. Itinatampok sa pista ang matatangkad na tao na yari sa papel na dinamitan at pinalamutian ng kung ano-anong bagay upang maging kaakit-akit sa madla. Ang mga "higante" ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan o kaya'y sampu hanggang labindalawang talampakan. Itinatanghal at inililibot iyon sa mga bahayan, samantalang ang mga deboto'y nakasuot ng damit-mangingisda.
Ang makulay na selebrasyon na ito ay bahagi ng tradisyonal na pasasalamat ng mga residente ng Angono dahil sa masaganang ani ng mga isda mula sa Lawa Laguna.


16. Moriones Festival 

Resulta ng larawan para sa moriones festival]
Photo Source

            Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.




            Ang Pilipinas talaga ay isang paraisong biyaya ng Diyos sa atin. Ito’y naghahalimuyak sa ganda ng mga atraksiyon, mga mayaman sa kultura at natatanging pagdiriwang tiyak na makakapabighani ng mga turista. Dapat lang na ang pamahalaan ay magkaroon ng seryosong mga hakbang alang-alang sa pagpapalago ng turismo ng Pilipinas, at tayo ring mga ordinaryong mga mamamayan ay magpapakita ng pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan ukol rito, upang ang bansa ay magiging ganap na kaakit-akit na Perlas na nagniningning sa silangan at sa buong mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento