Kasaysayan ng Mundo: Unang
Kabihasnan ng Tao
Ang mundo at ang kasaysayan nito ay
nakatatak na sa maraming panahon. Ang mga unang kabihasnan nito ang nagsilbing
gabay sa mga unang tao sa pag-unlad tungo sa makabagong panahon at generasyon.
Ngayon sa modernong panahon, ating balikan ang mga tala ng mga sinaunang
kabihasnanng sumibol noong mga unang panahon. (Ang mga impormasyong nasa ibaba
ay mga pangunahing inpormasyon lamang. Para sa karagdagang impormasyon,
mag-search sa www.google.com)
ANG TALAAN NG MGA
UNANG KABIHASNAN NG MUNDO
|
Mesopotamia
|
Egypt
|
India
|
China
|
Pamahalaan
|
Pinamumunuan ng mga mananakop o mga grupo
|
Pinamamahalaan
ng isang pharaoh.
|
Sistemang Caste
|
Pinamumunuan ng mga dinastiya
|
Lipunan
|
Ang mga mananakop o mga hari ang
pinakamataas na pinuno.
|
Ang
paharaoh ang pinakamataas, habang ang pinakamababa ay mga alipin.
|
Ang mga kababaihan ay itunuturing na salot
sa lipunan.
|
Ang emperador ang pinakamataas sa lipunan.
|
Relihiyon
|
Poletheism
|
Mitolohiyang
Ehipto
|
Hinduismo
|
Buddismo at Confucianismo
|
Ekonomiya
|
Nag-aalaga o nagpapastol ng mga hayop.
|
Manggagawa
ng mga palayok.
|
|
Nagtititnda ng asin, damit at iba pa.
|
Panitikan
|
Tulang
epiko ni Gilgamesh
|
|
Unang pabula o Panchatantra.
|
Mga
manuscript na Klassik.
|
Sistema ng Pagsulat
|
Cuneiform
|
Hieroglyphics
|
Sanskrit
|
Kaligrapiyang Tsino.
|
ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
1.
MESOPOTAMIA
Ang Mesopotamia ay
sumibol noon sa Iraq. Ang Iraq ay ang lugar sa pagitan ng 2 ilog: ang Tigris at
Euphrates. Ang mga pangunahing grupo o mga pangkat sa Mesopotamia ay ang
Sumerians, Phoenicians, Hebrew, Babylonians, at Hittites.
Pamahalaan
Ang Mesopotamia ay
pinamumunuan ng isang hari, depende kung sino o anong grupo ang kasalukuyang
sumasakop sa isang lugar. Si Haring Sargon I ang pinakaunang hari ng
Mesopotamia mula sa mga Sumerians. Sa mga Babylonians, pinakatanyag na hari si
Haring Hammurabi dahil sa kanyang “Kodigo”. Siya ang naglathala sa mga batas ng Babylonia na kilala dahil sa
ang hustisya o ang pagkakapantay nito ay ang “mata sa mata, ngipin sa ngipin”.
Kilala ring hari mula sa mga Babylonians si Haring Nebuchadnezzar. Siya ang nagpagawa
sa kilalang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawang si Amethyst.
Lipunan
Sa Mesopotamia, ang lipunan
ay binubuo ng mga grupo o mga tribu. Mayroon ding mga mananakop na mga dayuhang
mananakop ng pumupunta sa Mesopotamia, at habang tumatagal silang tumitira sa
lugar, nagiging parte na sila sa lipunan ng Mesopotamia.
Relihiyon
Malaki ang epekto ng
relihiyon sa pamumuhay ng mga Sumer (Mesopotamian). Bagamat ang ibang
taga-Mesopotamia ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa, ang pangunahing uri
ng relihiyon ng Mesopotamia ay Polethiesm. Ang Monotheism naman ay ang paniniwala sa iisang Diyos. Ang mga
Hebrew ang nagpasimula ng paniniwalang ito.
Ang kanilang Diyos ay si Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jakob.
Ang mga Hebrew din ay naniniwala na si Moses ang itinalaga ng Diyos na maging
propeta upang iligtas ang kanyang mga Hebrew o Israelites mula sa mga kamay ng
Egyptians (tingnan ang Egypt). Kay Moses paniniwalaan ng mga Hebrew na
ibinigay ang sampung utos ng Diyos sa Bundok Sinai.
Ekonomiya
Natutong magtinda ang mga
Mesopotamian ng mga trigo at palay. Kaugnay rin nyan, ang mga Mesopotamian,
particular na ang mga Sumer, ay nagsasaka o nagtatanim ng mga palay o trigo at
iniimbak nila ito sa kanilang tinatawag na Ziggurat, ang kanilang nagsisilbing
templo o tirahan ng mga dyos at dyosa at imbakan ng mga trigo. Mahalagang ambag
din sa kanilang ekonomiya ang pagkatuklas ng gulong at bronze.
Panitikan at
Sistema ng Pagsulat
Ang panitikan ng Mesopotamia
ay isinusulat sa hinulmang mamasa-masang putik at luwad na tinatawag na
tablet gamit ang stylus o patpat na
pansulat. Pagkatapos ay itinutuyo nila ito upang tumigas. Ang tawag sa kanilang
sistema ng pagsulat ay Cuneiform na ibig sabihin ay “ang mga matutulis na bagay
na porma”. Ang ganitong sistema ng pagsulat ay malawakang ginagamit ng mga
Mesopotamian na isang mahalagang ambag ng mga Sumer. Ang pinakaraming
natagpuang mga clay tablets ay matatagpuan sa Library of Ashurbanipal, isang
aklatan na imbis na mga aklat ang nakalagay ay mga tabletang luwad na may sulat ng cuneiform. Ang
silid-aklatang ito at itinatag ni Haring Ashubanipal. Sa lahat ng ito, ang
kanilang pinakatanyag na panitikan ay ang tulang epiko ni Gilgamesh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento