INTRODUKSIYON
Pilipinas. Isang kaaya-ayang bansa
sa Timog-Silangang Asya na binubuo ng mahigit-kumulang na 7,107 mga isla.
Arkipelagong pinapalibutan ng mala-kristal na karagatan. Kalupaang siksik sa
mga nakakahulog-pangang tanawin. Mga kultura at tradisyon na pinanday ng
dantaon, na siyang nakakapabighani sa mga puso ng maraming dayuhan. Iyan ang
bansang Pilipinas. Kaya naman walang duda na kahit papaano, ay maraming turista
ang dumadagsa sa bansa upang makita ang kagandahan. Ayon sa pinakahuling tala
ng Kagawaran ng Turismo noong buwan ng Mayo taong 2017, umaabot sa 532, 757 ang mga bisitang
pumupunta sa ating bansa, mas marami ng 19.60% kung ikukumpara sa nakaraang
Mayo 2016. (www.tourism.gov.ph/pages/indusryperformance.aspx
) Napakalaking bagay
ito para sa ating bansa sapagkat isa ang turismo sa gumaganap ng mahalagang
papel sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya naman ay iba’t –ibang programa ang nais
na maipatupad hinggil sa pagpapalago ng turismo sa bansa – mga programang
nakasentro sa pagpapahubog, pagpapanatili at pagpapayabong sa Turismo ng
Pilipinas.
UNANG BAHAGI: ANG
PAGPAPALAGO SA TURISMO NG PILIPINAS
Turismo
– Kahulugan
Bago ang lahat, nais naming ipaalam
sa inyo na ang pangunahing layunin ng blog na ito ay manghikayat ng mga kapwa
Pilipinong nawalay ang loob sa turismo ng bansa upang maipabalik sa kanila ang
alab ng puso na tangkilikin ang sariling turismo, at ipagmalaki sa buong mundo
ang ating natatanging bansa. Layunin din nitong makapanghikayat ng mga Pilipino
sa kanilang sariling bayan. At upang maisakatuparan ito, tayo’y magsimula sa
kaibuturan ng diskursong ito, kung ano nga ba ang turismo. Ayon sa
Wikipedia.org, ang turismo ay “isang
paglalakbay para sa kasiyahan o negosyo; isang teorya at pagsasanay ng
paglilibot; isang negosyo ng pag-akit, pagtanggap at pag-aliw ng mga turista.
Ito ay maaaring internasyonal o sa loob ng bansa ng manlalakbay.” Ayon pa
sa World Tourism Organization, ang turismo ay “ang paglalakbay at paninirahan ng mga tao sa lugar na nasa labas ng
kanilang karaniwang pnaninirahan na hindi hihigit sa isang magkakasunod na taon
para sa paglilibang, negosyo at iba pang mga layunin.”
Kalagayan
ng Turismo ng Pilipinas
Sa Pilipinas, inatasan ang Kagawaran
ng Turismo sa
pangangalaga sa turismo ng bansa, sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalagayan
nito, at pagpapalago nito. Ang kagawaran ang nagpapatupad ng mga programa, mga
gawain at propaganda alang-alang sa pagpapaunlad ng turismo – upang mas
maraming mga dayuhan ang mabighani sa kagandahan ng bansa. Ang lahat ng ito ay
ginawa ng pamahalaan sapagkat napakalaki ang ambag ng turismo sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa, kaya ang pagpapalago sa turismo ay isang paraan sa
pagpapalago ng ekonomiya.
Subalit, kahit na sinasabing
umuunald ang turismo ng Pilipinas kung ikukumpara sa nakaraang taon, napakalayo
pa rin ang "performance" sa turismo ng
bansa sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa
buong mundo na nangangamote pagdating sa turismo. Kaya naman dapat lang na ang
mga awtoridad ay may ilalatag na hakbang para sa pagpapalago hindi lang sa
turismo, kundi pati na rin sa iba’t-ibang mga mahahalagang salik na
nakakaapekto sa kalidad ng turismo sa bansa.
Mga
Hakbang sa Pagpapalago sa Turismo ng Pilipinas
Sa ipinahayag na sa itaas, ang
pagpapalago ng turismo ay hindi nangangahulugang pagpapalago sa mismong kalidad
ng turismo lamang, kundi pati na rin sa mga mahahalagang salik at aspeto na
kakabit sa turismo. Kaya narito ang aming inilatag na mga hakbang para sa mga
awtoridad upang mapalawig at mapalago ang turismo ng bansa:
1. Pagpapaunlad sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao at sa kanyang kapaligiran
Bagamat masasabing “napakalayo” na ng
hakbang na ito sa usaping pangturismo, ito’y nakakaapekto sa mga bagay
pangturismo sa bansa. Siyempre, upang maengganyo ang mga turista na bumisita sa
ating bansa, dapat na maayos ang mga pangunahing pangangailangan na mayroon ang
mga mamamayang nakatira sa ating bansa: ang pagkain, inumin at suplay na tubig,
maayos na mga tahanan at mga pasilidad sa paninirahan, malinis na hangin, pati
na rin sa pagpapahubog ng likas na kagandahan ng kapaligirang kanyang
ginagalawan. Dahil kung kulang nga naman at hindi buo ang ating maibibigay sa
ating mga kapwa Pilipino, ano pa kaya ang kaya nating maibigay sa mga bisita
natin, di ba?
2. Patatagin ang sistema ng siguridad sa
bansa
Isa rin sa mga tinitingnan ng mga
turista sa pagdadayo nila ay ang kanilang seguridad sa lugar. Dito sa atin,
dapat lang na patatagin ang seguridad para sa mga dayuhang nais dumayo sa ating
bansa; solusyunan ang mga karahasan at krimen sa pamamagitan ng pagsugpo nito,
pati na rin ang mga banta ng terorismo na nagmimistulang halimaw na nananakot
sa mga turista na siyang dahilan upang bababa ang bilang ng tourist visit ng bansa.
3. Pagpapaganda sa serbisyong
pangturismo.
Aba naman, sino namang turista ang
mabibighani sa ating bansa kung wala sa kalidad ang ating mga serbisyong
inihahandog sa kanila? Dapat nating ipakita ang ating pagkamainit sa pagtanggap
ng mga bisita sa pamamagitan ng paghahandog ng mga di-kalidad na mga serbisyo,
at ayusin ang mga kapalpakan at kakulangan sa serbisyo lalo na sa sa mga
pampublikong gusali gaya ng airport, terminal, at sa mga tanggapan. Susi diyan
upang mapadali ang pagsunod ng mga paraang inilahad: Wakasan ang kurapsyon,
dahil isa ito sa nakakapagpapalpak sa mga serbisyo ng gobyerno.
4. Pag-aayos ng mga airport
Ang airport ay nagsisilbing eksternal
na anyo ng bahay para sa mga bisita. Kung maganda at nakakapang-akit ang anyo
at labasan ng inyong bahay, aba sigurado, maraming tao ang magpapabalik-balik
sa inyo. Pero kung wala naman sa ayos, ni isa walang maaakit sa tahanan mo.
Dapat din nating ayusin at pagandahin ang ating mga airport. Sige nga: kung ang
ating mga airport ay wala sa tamang ayos, mabaho at walang magandang serbisyo,
sino pa kayang turista ang magnanais sa bumisita sa ating bansa kung mismo sa
airport pa lang ay bagsak na tayo? Tandaan: "first
impression lasts."
5. Pagpapalago sa ekonomiya ng bansa
Ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa
ay hindi isang malayong hakbang sa pagpapalago sa turismo ng bansa. Kung ang
isang bansa ay matatag sa ekonomiya, maraming dayuhan ang magkakainteres na
pasyalan ang naturang bansa. Isa ito sa mga makakapangpahikayat sa kanila na
ang bansang ito ay maganda at nararapat bisitahin, lalo na sa mga dayuhang
negosyante.
6. Palawigin pa ang mga kampanya at
propaganda ng Kagawaran ng Turismo hinggil sa turismo ng bansa.
At, nararapat lang na ang Kagawaran ng
Turismo ay magsasagawa pa ng mga kampanya at propaganda na siyang magpapabida
sa turismo ng bansa sa buong daigdig: maaaring magtuklas pa ng mga kakaiba at
nakakamanghang mga atraksiyon sa ating bansa; ibibida ang ating mga natatanging
kultura at kasaysayan na tumatatak sa buong mundo; o di kaya’y ipamalas ang
angking talento at galling ng mga Pilipino pagdating sa iba’t-ibang mga
larangan, napakaraming paraan upang mas mapalawig pa ang pagpapahatid ng
mensahe sa mga dayuhan na ang Pilipinas ay isang napakagandang bansa at
nararapat na bisitahin at pasyalan.
Para
naman nating mga tipikal na mga mamamayan ng bansang Pilipinas, hindi natin
magagawa ang mga hakbang na nasa itaas. Ang tanging magagawa natin ay makiisa
sa mga hakbang ng pamahalaan hinggil sa ikakaunlad ng turismo sa ating bansa.
Ating ipakita ang kaisahan nating mga mamamayan at sa pamahalaan para sa
ikakaganda ng bansang Pilipinas, at ipakita sa ating mga sarili ang pagiging
tunay na Filipino at isabuhay sa lahat ng pagkakataon ang mga katangian na
siyang makakapang-akit ng mga dayuhan saan mang sulok ng mundo. VIVA,
FILIPINAS!
IKALAWANG BAHAGI: ANG
TURISMO NG PILIPINAS
Bilang
isang anyo ng pagpapalago sa turismo ng bansa, inihahandog namin sa inyo ang
mga magagandang tanawin na sa ating bansa lamang matatagpuan! Nawa’y kayo’y
malibang, mabighani at maramdaman ang tunay na ganda ng Pilipinas!
Mga
Magagandang Tanawin sa Pilipnas
1. El Nido | Palawan
Photo Source
Pinangalanan bilang isa sa mga pinakamagagandang isla ng mundo ng Condé Nast Traveller magazine ng taong 2015, ang El Nido ay isa sa mga dapat bisitahin at binabalik-balikan ng mga turista sa Pilipinas. Kapag nasa El Nido, maranasan ang iba't ibang "island hopping tours" sa mga mapuputing buhangin ng dalamapasigan, mga kaakit-akit na lawa, at mala-kristal na tubig, kung saan maaari kang lumangoy, mag-snorkel, mag-kayak, o kaya'y mamahinga at tingnan ang nakatagong kagandahan ng Inang Kalikasan.
2. Isla ng Boracay | Aklan
Photo Source
Ang Boracay ay marahil ang pinaka-popular na isla sa Pilipinas.Ang mabisita ang islang ito na matatagpuan sa lalawigan ng Aklan ang pangarap ng bawat Pilipino. Sa malambot na puting buhangin, matingkad na asul na tubig, magandang paglubog ng araw, at hindi malilimutang mga karanasan sa gabi, ang Boracay ay kasama sa nangungunang 20 pinakamagandang isla sa mundo ng Condé Nast Traveler magazine.
3. Isla ng Batanes | Batanes
Photo Source
Ang Batanes ay isa sa mga pinaka-ninanais na destinasyon ng mga turista sa Pilipinas. Ang biyahe sa lalawigan ay magbibigay sa iyo ng mga pinaka-natatanging mga tanawin ng bansa na kinabibilangan ng mga isla na makakapagbigay ng kasiyahan sa mga mahilig sa "nature", mga hayop na malayang naglalayaw sa itaas ng walang katapusang mga berdeng burol, napakalaking talampas na nakikita ang mga karagatan sa ilalim ng asul na kalangitan, mabatong mga baybayin at mga puting buhangin, at ang mayamang pamana ng kultura ng mga Ivatan.
4. Isla ng Camiguin | Camiguin
Photo Source
Ang lalawigan ng Camiguin ay nagtataglay ng rekord ng pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng mga bulkan sa bawat kilometro kwadrado kaysa sa anumang ibang isla sa planeta. Ngunit sa kabila ng mga bulkan, ang lalawigan ay may mga likas na atraksyon, kabilang ang hindi pinaninirahang puting "sandbar", mainit at malamig na bukal, at mga "waterfalls." Dagdag pa, maaari mo ring masaksihan ang pagdiriwang ng Lanzones Festival sa Oktubre, bisitahin ang mga matatandang simbahan, lumang mga tahanan ng mga ninuno at ang Sunken Cemetery.
5. Isla ng Malapascua | Cebu
Photo Source
Kasama ng Palawan at Boracay, itinuturing din ang isla ng Cebu na isa sa mga 20 nangungunang pinakamagandang isla sa mundo ng Condé Nast Traveler magazine. Ang isang buwan ay hindi sapat upang tuklasin ang buong Cebu, na kilala sa mga puting tabing-dagat, mga "luxury resorts", at mayamang kasaysayan. Ang isla ng Malapascua ay isa sa pinakasikat na destinasyon sa Cebu. Ang maliit na isla na maaaring lumakad palibot sa loob ng dalawang oras ay tahanan ng mga magagandang dalampasigan at nakakarelaks na hangin ng hangin. Ang mga turista ay bumibisita sa isla para "once-in-a-life time" na karanasan sa diving kasama ang mga thresher sharks.
6. Isla ng Kalanggaman | Leyte
Photo Source
Ang isla ng Kalanggaman sa Palompon ay isa sa pinakamagagandang "sandbars" sa Pilipinas, at marahil sa mundo. Hindi nakakagulat kung bakit ang mga internasyonal na barkong pang-cruise ay huminto sa pinapangarap na islang ito upang magdala ng daan-daang mga turista mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang paglangoy sa malinaw na tubig-dagat na kumikislap sa gabi, paglalakad sa puting mahabang "sandbar", at "stargazing" sa malinaw na kalangitan sa gabi ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit dapat mong bisitahin at balik-balikan ang maliit na islang ito.
7. Isla ng Siargao | Surigao del Norte
Photo Source
Ang Siargao ay kilala bilang "surfing capital" ng Pilipinas at tahanan sa sikat na "surfing wave" ng mundo na tinatawag na "Cloud 9". Kaya kung gusto mo ng "surfing", ang isla na ito ay dapat na nasa iyong listahan. Gayunpaman, ang Siargao ay hindi lamang isang perpektong lugar para sa mga "surfer" kundi para sa anumang uri ng mga turista. Hindi alam sa marami, ang isla ay nagtatago din ng mga malinis na puting buhangin sa buhangin, kaakit-akit na mga lawa, natural na pool, mga talon, kamangha-manghang mga kuweba, mga pambihirang pormasyon ng bato, at higit pa.
8. Coron | Palawan
Photo Source
Ang Coron ay isang tropikal na paraiso sa lalawigan ng Palawan. Ang "postcard-perfect scenery" ng Kayangan Lake na may matarik na "limestone cliffs" at mala-kristal na tubig ay isa sa dapat na bisitahin na mga lugar sa Pilipinas. Ang pagbisita sa Coron ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong makalangoy sa Kayangan Lake, na tinatawag na pinakalinis na lawa sa Asya. Ang Coron ay isa rin sa pinakamaraming destinasyon para sa "wreck diving" sa bansa.
9. Hinatuan Enchanted River | Surigao del Sur
Photo Source
10. Bulkang Mayon | Albay
Photo Source
Ang Bulkang Mayon ang pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng pagbabanta nito ay namamalagi ang isang ganap na hugis apang bulkan na maaaring makalampas sa kagandahan ng anumang bulkan sa mundo. Ang nakamamanghang tanawin ng Mayon ay isang napaka-tanyag na tanawin ng Pilipinas, na makikita sa perang papel ng Pilipinas, at sa karaniwang mga postkard sa bansa. Ang Mayon ay pinangalanan rin bilang isa sa mga "most photogenic volcanoes" sa mundo ng CNN Travel.
11. Bulkang Taal | Tagaytay, Batangas at Cavite
Photo Source
Ang Tagaytay City sa Cavite ay isang sikat na destinasyon na matatagpuan sa timog ng Manila. Ito ay isang perpektong lugar para sa mga gawain sa paglilibang, tulad ng piknik, pagsakay sa kabayo, pagsakay sa "zipline", at pagtanaw ng nakamamanghang tanawin ng Bulkang Taal na napalilibutan ng lawa. Para sa higit pang pakikipagsapalaran, ang mga turista ay maaaring magtungo sa Talisay, Batangas upang tumawid sa lawa ng Taal sa isang bangka, at maabot ang isla ng Bulkang Taal upang maglakbay patungo sa bunganga ng pinakamaliit na aktibong bulkan sa mundo.
12. Puerto Princessa Subterranean River National Park | Palawan
Photo Source
Ang Palawan ay tila hindi nagpapahuli sa mga kamangha-manghang destinasyon para sa mga turista. Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park na tinatawag ding Puerto Princesa "Underground River" ay isang "UNESCO World Heritage Site" at isa sa "New 7 Wonders of Nature." Ang 8.2 km na haba ng Underground River ay sinasabing ang pinakamahabang ilog na nasa ilalim ng ilog sa mundo. Ang sistema ng kuweba ay naglalaman ng mga "stalactite", "stalagmite", maliit na "underground waterfalls", at higit pang mga tsanel ng ilog.
13. Mga Kweba ng Langun Gobingub | Samar
Photo Source
Sa daan-daang mga kuweba na ginalugad, ang isla ng Samar ay sinimulang makilala bilang "caving capital" ng Pilipinas. Ang mga kweba Langun-Gobingob, ang pinakamalaking "caving system" sa bansa ay matatagpuan din sa Samar, lalo na sa bayan ng Calbiga. Ang sistema ng kuweba ay may malaking silid na maaaring makapagkasya ng tatlong "football fields". Kaya kung gusto mo ng isang bagong pampalasa ng pakikipagsapalaran, ang pagkukweba sa Samar ay dapat isama sa iyong balangkas na listahan ng mga nangungunang pinapangarap na gawain at pasyalan mo.
14. Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue |
Ifugao
Isang pambansang kultural na kayamanan at itinuturing ng mga Pilipino bilang "Eighth Wonder of the World", ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue ay isang perpektong lugar para sa pagliliwaliw, pagpapalapit sa kalikasan, pag-alam sa mga tribu ng mga Ifugao, at maging ang pagkonsulta sa Mumbaki (isang tradisyonal na Ifugao "witch doctor") upang magsagawa ng espirituwal na ritual na nakakagamot. Ang hagdan-hagdang palayan ay itinayo 2,000 taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng mga ninunong gumagamit ng mga bato at putik na pader upang makapagtayo ng mga lawa para sa paglilinang ng bigas sa mga bundok ng Ifugao.
15. Chocolate Hills | Bohol
16. Bundok Apo | Mindanao
Photo Source
Kung nais mo ang pinakamaganda sa Pilipinas, bakit hindi maghangad sa pinakamataas na bundok sa bansa? Ang Bundok Apo ay ang pinakamataas na rurok ng Pilipinas na nasa 10,311 talampakan sa ibabaw ng dagat. Ang mga "mountaineers" at mga "adventurers" ay haharap sa mapanghamong paglalakbay patungo sa taluktok ng bundok; tatawirin ang mga lawa, ilog, damuhan, at kagubatan. Ang bundok ay tahanan din ng mga bulaklak at palahayupan na likas sa lugar. Ang "trekking" sa tuktok ay hindi madaling gawain, ngunit ito ay itinuturing na gantimpala sa sinuman dahil ito ay pambihira lamang na maranasan sa buhay ng tao.
17. Tubbataha Reefs Natural Park | Palawan
Photo Source
Kung ang Bundok Apo ay para sa mga "hikers", ang Tubbataha Reef Natural Park ay isang langit para sa mga "scuba divers." Ang kahanga-hangang mundo sa ilalim ng dagat na malapit sa gitna ng Karagatan ng Sulu ay isa sa mga pinakamagandang "dive sites" sa mundo. Ang pinoprotektahan na santuwaryo ay tahanan ng malinis na korales, "manta rays", "sea turtles", "clownfish", "lionfish", pating, at mga "endangered hawksbill sea turtle". Ang parke na ipinahayag din bilang "World Heritage Site" ng UNESCO ay isang santuwaryo din para sa isang daang "species" ng ibon.
18. Lungsod ng Vigan | Ilocos Sur
Photo Source
Maraming mga bahay at mansiyon sa kapanahunan ng mga Kastila ang nakakalat sa Pilipinas. Ngunit kung nais mong makita ang isang buong distritong nasa arkitektura at tanawin mula pa sa panahon ng Espanyol, ang Vigan ay ang lugar na iyon. Ang makasaysayang bayan ng Vigan ay isang "UNESCO World Heritage Site". Maglakad sa kahabaan ng kalye ng Crisologo upang makaranas ng isang "ambience" mula sa ika-16 na siglo.
19. Intramuros at Rizal Park | Maynila
Intramuros - Photo Source Rizal Park - Photo source
Ang Manila, ang kabisera ng Pilipinas, ay sagana sa mga atraksiyon sa kasaysayan at pang-edukasyon. Ang 400-taong gulang na makasaysayang nakapader na lungsod ng Intramuros ay tahanan ng Fort Santiago, Iglesia ng San Agustin (UNESCO World Heritage Site), Katedral ng Manila, Palacio del Gobernador, Plaza de Roma, mga siglo-lumang mga canyon, kobblestones, at iba pang mga gusali at mga lugar na mula pa sa panahon ng mga Espanyol. Ang malapit sa Intramuros ay ang Rizal Park, ang pinakasikat na parke sa bansa at tahanan sa natatanging monumento ni Rizal, ang pinakamataas na bandila ng bansa, "KM Zero", at marami pang iba.
20. Pambansang Museo ng Pilipinas | Maynila
Photo Source
Ang isa pang patutunguhan sa Manila ay ang Pambansang Museo ng Pilipinas. Kung nais mong matuto nang higit pa at pahalagahan ang pambansang kultura at makasaysayang kayamanan ng mga Pilipino, ang museo ay isang lugar na hindi mo dapat papalampasin. Tingnan ang iyong sarili sa higanteng ipinintang Spoliarium ni Juan Luna, ang "Manunggul Jar" at iba pang sinaunang "artifact" na may petsang mula 890 hanggang 710 BC, ang mga kayamanan ng Espanyol Galleon San Diego, ang Balangay o Butuan na bamgka, ang iba't ibang mga pinta na gawa at eskultura ng iba't ibang mga pambansang artistang Pilipino, at iba pang mga bagay na marahil ay nakikita mo lang sa mga aklat-aralin.
Iba’t – Ibang Mga Pagdiriwang (Festivals) sa Pilipinas
Ang
Pilipinas ay hindi lang hitik sa mga magagandang tanawin, kundi siksik rin sa
mga kultura at tradisyon na humantong sa mga makukulay na pagdiriwang! Narito
ang aming listahan sa iilan sa mga makukulay na pagdiriwang sa bansa na dinadagsa ng mga turista taon-taon:
1. Ati-Atihan Festival - Kalibo, Aklan
Photo Source
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihansa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Sinulog Festival Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
2. Pahiyas Festival - Lucban, Quezon
Photo Source
Ang Pahiyas Festival ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “"kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang mga bahay.
3. Panagbenga Festival - Lungsod ng Baguio
Photo Source
Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.
4. Sinulog Festival - Cebu
Photo Source
Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
5. Kadayawan Festival - Lungsod ng Davao
Photo Source
Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.
6. Peñafrancia Festival - Lungsod ng Naga, Camarines Sur
Photo Source
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.
6. Masskara Festival - Lungsod ng Bacolod
Photo Source
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.”
7. Lechon Festival - Balayan, Batangas
Photo Source
Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.
8. Kaamulan Festival
Photo Source
Ang Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso. Ang salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng tribo sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng mga ito.
10. Pista ng Itim na Nazareno
Photo Source
Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
11. Pista ng Paraw Regatta
Photo Source
Ito ay kilalang pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod Iloilo at Guimaras tuwing unang lingoo ng Marso at tampok dito ang karera ng daan-daang paraw (bangkang mag layag) sa kahabaan ng water strait sa pagitan ng Iloilo at Guimaras. Ito ay may layuning iangat ang turismo ng nasabing bayan gayun din ang pangangalaga at pagpreserba sa mga paraw bilang bahagi ng kanilang kultura at kasaysayan. Kasama sa kasiyahang ito ay ang Pinta Paraw (pagpinta ng mga paraw), Pintawo (pagpinta sa katawan), torneo ng pangingisda, at Regatta Model Search.
12. Pista ng Saging
Photo Source
Ginugunita ang Pista ng Saging tuwing 18-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoro upang ipagdiwang and kasaganahan ng saging. Ipinagmamalaki dito ang iba't-ibang uri ng saging tulad ng Senorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din nang selebrasyon na ito ay ang kapistahan ng patron na si San Jose.
Ipinagdiriwang naman ang Pista ng Saging sa Davao del Norte tuwing unang linggo ng Hulyo kasabay ng anibersaryo nang lalawigan. Ang selebrasyong ito ay nagbibigay halaga sa pangunahing produkto na nag-aambag ng pangkabuhayan sa probinsya - ang saging.
13. Pista ng Kalabaw
Photo Source
Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 hanggang 16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulakan.
Tampok sa kapistahang ito ay ang pagluhod ng mga malilinis at pinturadong kalabaw sa harap ng simbahan upang tumanggap ng bendisyon ng pari gayun din ang karera ng mga kalabaw.

14. Rituwal sa Obando
Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay paranagal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan.
Ang mga mag-asawang hindi magka-anak ay kadalasang nagdarasal sa pamamagitan ng pagsayaw sa Birhen ng Salambao (santo ng mga mangingisda para sa masaganang pangingisda), kay San Pascual de Baylon (modelo ng kabutihan) at kay Santa Clara (patron ng mga hindi magkaanak).
15. Pista ng mga Higante
Ipinagdiriwang ang Pista ng mga Higante tuwing ika-23 ng Nobyembre kada taon sa bayan ng Angono, Rizal, bilang paggunita kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda. Itinatampok sa pista ang matatangkad na tao na yari sa papel na dinamitan at pinalamutian ng kung ano-anong bagay upang maging kaakit-akit sa madla. Ang mga "higante" ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan o kaya'y sampu hanggang labindalawang talampakan. Itinatanghal at inililibot iyon sa mga bahayan, samantalang ang mga deboto'y nakasuot ng damit-mangingisda.
Ang makulay na selebrasyon na ito ay bahagi ng tradisyonal na pasasalamat ng mga residente ng Angono dahil sa masaganang ani ng mga isda mula sa Lawa Laguna.
16. Moriones Festival
]
Photo Source
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
Ang Pilipinas talaga ay isang
paraisong biyaya ng Diyos sa atin. Ito’y naghahalimuyak sa ganda ng mga
atraksiyon, mga mayaman sa kultura at natatanging pagdiriwang tiyak na
makakapabighani ng mga turista. Dapat lang na ang pamahalaan ay magkaroon ng
seryosong mga hakbang alang-alang sa pagpapalago ng turismo ng Pilipinas, at
tayo ring mga ordinaryong mga mamamayan ay magpapakita ng pakikiisa sa mga
programa ng pamahalaan ukol rito, upang ang bansa ay magiging ganap na
kaakit-akit na Perlas na nagniningning sa silangan at sa buong mundo.