Translate

Linggo, Nobyembre 30, 2014

Story: The Wave of Life (Special Edition)



Hello there! Ang Windows Screenville ay naghahando ng isang kwento nito.........................................










                                                                       FILIPINO PROJECT
  
                                                                          MOVIE SCRIPT
                                                                                 (Long)

                                                                     
THE WAVE OF LIFE


Producer:  Windows Screenville Inc.
Director / Writer:  Jhon Christian Rey M. Tolop

*Ang Iskript ay ay naglalaman ng mga diyalogo at mga aksyon ng mga tauhan.
*Ang kwento ay ibinase sa totoong buhay. Ang ilan sa mga pangyayari sa kwento ay bunga lamang sa malikhaing imahinasyon ng director at mga miyembro. Sa pangkalahatan, ang mga pangyayari at ang kwento sa iskript ay hango sa totoong pangyayari at buhay.
*Ang ilan sa mga pangalan ng mga tauhan sa kwento ay hindi totoo. May ilan sa mga pangalan ng tauhan na hango at totoo sa totoong pangalan sa totoong tauhan sa totoong buhay.
Language: Filipino (Tagalog)

Legend:
(……) – narrator / actions

S T O R Y

(Sa isang bayan sa Bohol, may mag-asawang masaya. Sa kanilang 10 taong pagsasama, hindi parin sila binibigyan ng anak. Isang araw ng Linggo, nagsimba silang magkasintahan. Habang nagtitirik ng kandila si Christofer, ay nagdadasal naman si Rosita, ang kanyang asawa. Natapos nang magdasal si Rosita nang dumating si Christofer.)
Christofer: (Umupo sa tabi ni Rosita) Hay, mahal ko, kalian kaya tayo mabibiyayaan ng anak? (Nakahawak sa kamay ni Rosita)
Rosita: Naku mahal, ang sa atin lang dito’y mananalig na lang tayo sa Maykapal dahil siya lang ang nakakaalam sa lahat. Alam ko, bibigyan rin tayo ng anak, maghintay lang tayo. (Tumingin sila sa altar.)
Christof: Tama ka, tara labas na tayo.
Rosita: Sige.
(Lumabas ang magkasintahan sa simbahan at umuwi sila. Kinagabihan sa kanilang bahay…)
(Nanonood si Christof ng T.V., habang nagluluto ng hapunan si Rosita.)
Christof: A, Ros mahal, pupunta ako bukas sa Cebu.
Ros: Ano! Ano naman ang gagawin mo ‘dun? (pumunta sa hapag-kainan para ilagay ang kanyang        mga niluto.) O ayan, kain na,  patayin mo na ang T.V.
(Pumunta si Christof sa hapag-kainan. Nang umupo na sila…)
Christof: (kumakain) Pupunta ako ‘dun dahil (huminga) …ay-usin ang mga papeles  ko papuntang Dubai.
(Napahinto sa pagkain si Ros. Tumitig siya kay Christof.)
Ros: (maiiyak na at magagalit) Mahal naman, diba napag-usapan na natin ‘to?
Christof: (Hinawakan ang kamay ni Ros) Mahal, (umiwas ng tingin si Ros) making ka. (Hinawakan ang mukha ni Ros.) Ginagawa ko ‘to para sa atin, para sa ating magiging anak.
Ros: (Medyo nagagalit) Para sa atin?! (Tumataas na ang boses, nanggigigil.) Sa tingin mo ba, para sa atin ‘yang ginagawa mo?! Pano na lang ‘yan? (bumaba ang boses, na nalulungkot) Iiwan mo ako dito mag-isa, ha?
Christof: Hindi. (Nag-aalala ang tinig.) Hindi naman sa ganoon. Tutal nandyan naman sina mama at papa. Hindi ka nila pababayaan.
Ros: (Malumanay ang tinig, at tumitig kay Christof) Hindi ko yata kayang mawala ka sa ‘kin, Christof.
Christof: Isang araw lang naman ako ‘dun sa Cebu. Tsaka, hindi ko pa alam kung kalian ako makakapunta sa Dubai, ang sa akin lang, ay aayusin ko muna ang mga papeles upang mas mapadali ang proseso, at saka kung sakaling magkakaanak ka, ay nandyan ako sa tabi mo.
Ros: (Huminga ng malalim) Siguro, (malungkot) ginagawa mo ang lahat ng ito dahil ayaw mo na sa akin, dahil hindi kita mabibigyan ng anak.
(Nagulat si Christof sa sinabi ni Ros, kaya tumayo siya at binack-hug si Ros.)
Christof: Hindi! Ano ba ‘yang iniisip mo! Hindi kita ipagpapalit dahil ikaw lang ang mahal ko. Para sa akin, (hinawi ang buhok ni Ros, kaya napatingala si Ros) ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo. Tsaka ginagawa ko nga ito para sa ating magiging anak.Huwag mong sabihin (malambing ang tinig) na hindi tayo magkakaanak, ikaw nga mismo ang nagsabi na manalig lang tayo sa Diyos.
Ros: (Tumingin sa mesa) Sabi mo ‘yan ha.
Christof: Oo naman, hinding-hindi kita bibiguin.
Ros: (Ngumiti, pero mapilit) Sige na nga kain tayo.
(Umalis si Christof sa likod ni Ros at bumalik sa inupuan niya.)
(Kinaumagahan, sa bahay ng mga Topacio, nagtitipon-tipon ang mga kamag-anak ni Christof, ang kanyang mga magulang, at si Ros. May mga bagahe siyang dala. May sasakyan na ring nakahanda.)
Ros: Mag-iingat ka. (halatang maiiyak na)
Christof: ‘