Translate

Sabado, Agosto 30, 2014

Kasaysayan ng Mundo: Unang Kabihasnan ng Tao (Part 1)


Kasaysayan ng Mundo: Unang Kabihasnan ng Tao


Ang mundo at ang kasaysayan nito ay nakatatak na sa maraming panahon. Ang mga unang kabihasnan nito ang nagsilbing gabay sa mga unang tao sa pag-unlad tungo sa makabagong panahon at generasyon. Ngayon sa modernong panahon, ating balikan ang mga tala ng mga sinaunang kabihasnanng sumibol noong mga unang panahon. (Ang mga impormasyong nasa ibaba ay mga pangunahing inpormasyon lamang. Para sa karagdagang impormasyon, mag-search sa www.google.com)

ANG TALAAN NG MGA UNANG KABIHASNAN NG MUNDO

Mesopotamia
Egypt
 India
China
Pamahalaan
Pinamumunuan ng mga mananakop o mga grupo
Pinamamahalaan ng isang pharaoh.
Sistemang Caste
Pinamumunuan ng mga dinastiya
Lipunan
Ang mga mananakop o mga hari ang pinakamataas na pinuno.
Ang paharaoh ang pinakamataas, habang ang pinakamababa ay mga alipin.
Ang mga kababaihan ay itunuturing na salot sa lipunan.
Ang emperador ang pinakamataas sa lipunan.
Relihiyon
Poletheism
Mitolohiyang Ehipto
Hinduismo
Buddismo at Confucianismo
Ekonomiya
Nag-aalaga o nagpapastol ng mga hayop.
Manggagawa ng mga palayok.

Nagtititnda ng asin, damit at iba pa.
Panitikan
Tulang epiko ni Gilgamesh

Unang pabula o Panchatantra.
Mga manuscript na Klassik.
Sistema ng Pagsulat
Cuneiform
Hieroglyphics
Sanskrit
Kaligrapiyang Tsino.

























ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
1.       MESOPOTAMIA


Ang Mesopotamia ay sumibol noon sa Iraq. Ang Iraq ay ang lugar sa pagitan ng 2 ilog: ang Tigris at Euphrates. Ang mga pangunahing grupo o mga pangkat sa Mesopotamia ay ang Sumerians, Phoenicians, Hebrew, Babylonians, at Hittites.

Pamahalaan

                Ang Mesopotamia ay pinamumunuan ng isang hari, depende kung sino o anong grupo ang kasalukuyang sumasakop sa isang lugar. Si Haring Sargon I ang pinakaunang hari ng Mesopotamia mula sa mga Sumerians. Sa mga Babylonians, pinakatanyag na hari si Haring Hammurabi dahil sa kanyang “Kodigo”. Siya ang naglathala  sa mga batas ng Babylonia na kilala dahil sa ang hustisya o ang pagkakapantay nito ay ang “mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Kilala ring hari mula sa mga Babylonians si Haring Nebuchadnezzar. Siya ang nagpagawa sa kilalang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawang si Amethyst.

Lipunan

                Sa Mesopotamia, ang lipunan ay binubuo ng mga grupo o mga tribu. Mayroon ding mga mananakop na mga dayuhang mananakop ng pumupunta sa Mesopotamia, at habang tumatagal silang tumitira sa lugar, nagiging parte na sila sa lipunan ng Mesopotamia.

Relihiyon

                Malaki ang epekto ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Sumer (Mesopotamian). Bagamat ang ibang taga-Mesopotamia ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa, ang pangunahing uri ng relihiyon ng Mesopotamia ay Polethiesm. Ang Monotheism naman  ay ang paniniwala sa iisang Diyos. Ang mga Hebrew ang nagpasimula ng paniniwalang ito.  Ang kanilang Diyos ay si Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jakob. Ang mga Hebrew din ay naniniwala na si Moses ang itinalaga ng Diyos na maging propeta upang iligtas ang kanyang mga Hebrew o Israelites mula sa mga kamay ng Egyptians (tingnan ang Egypt). Kay Moses paniniwalaan ng mga Hebrew na ibinigay ang sampung utos ng Diyos sa Bundok Sinai.

Ekonomiya

                Natutong magtinda ang mga Mesopotamian ng mga trigo at palay. Kaugnay rin nyan, ang mga Mesopotamian, particular na ang mga Sumer, ay nagsasaka o nagtatanim ng mga palay o trigo at iniimbak nila ito sa kanilang tinatawag na Ziggurat, ang kanilang nagsisilbing templo o tirahan ng mga dyos at dyosa at imbakan ng mga trigo. Mahalagang ambag din sa kanilang ekonomiya ang pagkatuklas ng gulong at bronze.


Panitikan at Sistema ng Pagsulat

                Ang panitikan ng Mesopotamia ay isinusulat sa hinulmang mamasa-masang putik at luwad na tinatawag na tablet  gamit ang stylus o patpat na pansulat. Pagkatapos ay itinutuyo nila ito upang tumigas. Ang tawag sa kanilang sistema ng pagsulat ay Cuneiform na ibig sabihin ay “ang mga matutulis na bagay na porma”. Ang ganitong sistema ng pagsulat ay malawakang ginagamit ng mga Mesopotamian na isang mahalagang ambag ng mga Sumer. Ang pinakaraming natagpuang mga clay tablets ay matatagpuan sa Library of Ashurbanipal, isang aklatan na imbis na mga aklat ang nakalagay ay mga tabletang  luwad na may sulat ng cuneiform. Ang silid-aklatang ito at itinatag ni Haring Ashubanipal. Sa lahat ng ito, ang kanilang pinakatanyag na panitikan ay ang tulang epiko ni Gilgamesh.

Huwebes, Agosto 7, 2014

Ang Pilipinas na Bayan Mo


Ang Pilipinas na Bayan Mo


Ang video ito ay isa lamang na patunay na hindi kailanman kukupas ang ganda ng Pilipinas. Kahit na marami ang mga pagsubok na kinakaharap ng bansa, nanatili pa rin itong matatag. Nawa'y magustuhan niyo ang pinakabagong post ng Windows Screenville.

Linggo, Agosto 3, 2014

ARNIS ALL THE WAY

Hello there! Katatapos lamang ng Sandugo  Festival 2014 sa Bohol na pangunahing attraksyopn sa Pinas. Ngayon, Inahandog ng Windows Screenville isang bagohan pa lang na naging Pambansang Laro, ang ARNIS.